Lalaking kumukuha ng police clearance, napag-alamang itong warrant of arrest

Nabisto ang kasong paglabag sa RA 8282 o Social Security Law ng isang 57-anyos na lalaki nang lumabas ang kanyang warrant of arrest habang kumukuha ng police clearance sa Muntinlupa City.

Hindi na pinauwe at diretso na sa kulungan ang suspek na si Alias Alfredo kahapon ng tanghali.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa ulat ng Southern Police District, nagtungo ang biktima sa isang mall kung nasaan ang Police Clearnce Office ng Muntinlupa City Police Station.

Subalit sa halip na police clearance ang ibigay sa kanya, isinilbi ng mga pulis ang ang kanyang Bench Warrant of Arrest na insiyu ni Judge Tomas Ken Dizon Romaquin Jr ng Regional Trial Court Branch 24, Biñan City, Laguna noong October 18, 2023.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

May inirekomendang piyansa ang korte na ₱ 24,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.