Americans na patuloy na tumatangging magpabakuna, sinisira ang kanilang bansa – Biden

Inihayag ni US President Joe Biden na sinisira ng mga Amerikano na ayaw magpabakuna kontra COVID-19 ang kanilang bansa.

Sinabi ito ng 78-anyos na si Biden kasabay ng kaniyang pagpapaturok ng COVID-19 booster shot.

Nakakuha si Biden ng third dose ng Pfizer base sa naaprubahang health guidance ng U.S. na nagpapahintulot ng boosters para sa 65-anyos pataas.

Ipinunto ni Biden na 77 percent ng mga Amerikano ang nakapagpabakuna na.

Gayunman, meron anyang “distinct minority” ang nagdudulot ng problema dahil sa kanilang pagtanggi na magpabakuna, at nasisira nito ang kanilang bansa.

Matatandaan na natanggap ni Biden ang first dose ng Pfizer vaccine noong Disyembre, habang ang ikalawang dose naman ay naiturok sa kaniya noong January, o sa panahon na siya ay president-elect pa lamang.