Pangulong Marcos – tiniyak ang kahandaan ng pamahalaan sa paparating na La Niña

Hindi raw dapat mag-alala ang publiko sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, laging nakaantabay ang gobyerno sa La Niña.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Naglaan na rin daw ito ng pondo, mga food packs, at iba pang ayuda na kinakailangan.

Binigyang-diin ng Pangulo na layunin nilang maging handa sa lahat ng pagkakataon upang hindi mahirapang tumugon sa bawat sitwasyon.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Hinikayat din niya ang publiko na ipanalanging hindi makaranas ang bansa ng matinding kalamidad sa mga susunod na buwan.