Tinawanan lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang bali-balitang nag-resign na si Defense Sec. Gibo Teodoro.
Sa ambush interview sa Pangulo, pinayuhan ni Pangulong Marcos ang publiko na maging maingat sa mga nakikita’t nababasa sa social media.
Pagtitiyak pa niya – kung mayroon namang mga pagbabago sa Gabinete ay sa kanila mismo ito manggagaling.
Aniya, personal pa niyang pang tinawagan si Teodoro hinggil sa issue na ito.
Inilarawan ni Marcos na na mga ‘desperado’ na ang mga nagpapakalat ng ganitong balita.
Aniya, tanging layunin lang daw nito na guluhan ang kasalukuyang problema.
Sa ngayon, ‘di na raw nila ito papansinin pa, at magpapatuloy lamang sila sa kanilang trabaho.