Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa Armed Forces of the Philippines o AFP na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang mga programa at polisiya na magpapabuti sa kapakanan ng mga myembro ng AFP at kanilang pamilya.

Sa mensahe ng Pangulo sa traditional dinner para sa AFP Council of Sergeants Major na ginanap sa Malacañang, sinabi ng Chief Executive na pursigido ang kanyang administrasyon sa modernization ng AFP para maging world-class force na nirerespeto ng kanilang mga counterparts at maging source ng national pride.
Kinilala din ng Punong Ehekutibo ang mahalagang papel ng mga enlisted personnel na anya’y backbone ng pwersa ng militar, lalo na’t sila ang bumubuo sa 90% ng tropa ng mga sundalo.
Samantala kabilang sa mga dumalo sa traditional dinner ang Department of National Defense, Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs o OPAMPA.