Pangulong Marcos, pormal nang inendorso ang 12 senatorial line up ng administrasyon

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw ang senatorial slate ng administrasyon para sa 2025 midterm election.

Sa Alyansa ng Bagong Pilipinas Convention sa PICC sa Pasay City, pormal na ipinakilala ni Pangulong Marcos ang 12 pambato sa pagka-senador mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ilan pa nilang kaalyadong partido.

Una nitong binanggit si Interior Secretary Benhur Abalos, sumunod si Makati City Mayor Abby Binay, Senadora Pia Cayetano, former senator Ping Lacson, Senador Lito Lapid, Senadora Imee Marcos, dating senador Manny Pacquiao, at Senador Bong Revilla.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Gayundin sina dating senate president Tito Sotto, Senate Majority Leader Francisco Tolentino, dating DSWD secretary, House Deputy Majority Leader ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, at Deputy Speaker Las Piñas Rep. Camille Villar.

Sina Pacquiao, Abalos at Tolentino ay mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Read More:  ‘I still have the floor!’ Pangilinan, Padilla clash inside Senate chamber

Habang sina Revilla at Tulfo ay mula sa LAKAS-CMD; sina Sotto, Lacson, Lapid at Binay ay mula sa partidong Nationalist People’s Coalition.

Ang tatlong babae naman na pambato ng administrasyon na sina Cayetano, Marcos at Villar ay kabilang sa Nacionalista Party.

Pito sa kanila ang naging congressman na at senador, walo naman ang mga beteranong senador, apat sa kanila ang may cabinet rank noon at apat din ang abogado.