CTG members and supporters na sumuko o na-neutralize – umabot na sa 1,800

Umabot na sa 125 na mga miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group ang na-neutralize sa operasyon ng militar.

Ang datus ay mula January 1 hanggang September 19 ngayong taon.

111 naman ang naaresto at 1, 575 ang sumuko.

Read More:  TDC: education should be prioritized over lowering age of criminal liability

Sa kabuuan, ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nasa 1, 811 CTG members at supporters nito ang na-neutralize ng pamahalaan.

Nasa 921 naman ang bilang ng mga armas ang nakumpiska at isinuko ng mga ito.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Samantala, iniulat din ng AFP na 230 Local Terrorist Group ang na-neutralize ng pamahalaan.

Mula sa naturang bilang, 46 ang napatay, 174 ang sumuko at 10 ang naaresto.