Pangulong Marcos, nakatakdang magsagawa ng ocular inspection sa NAIA Terminal 3

Nakatakdang magsagawa ng ocular inspection si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ngayong hapon sa Ninoy Aquino International Airport.

Ito ay kasunod ng nangyaring aberya sa air traffic management system ng paliparan na nagdulot ng perwisyo sa libo-libong mga pasahero noong bagong taon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Kasama ng Pangulo sa isasagawang inspection sina DOTR Sec. Jaime Bautista, CAAP Director General Capt.Manuel Antonio Tamayo at ang mga nasa Airline Officer Council.

Inaasahan din ang presensiya ng mga kinatawan mula sa mga airline companies ng Cebu Pacific,Air Asia at Philippine Airlines pati na si Civil Aeronautics Board Director Atty. Carmello Arcilla.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Posible umanong pagpaliwanagin ng Pangulo ang mga kinauukulang opisyal kaugnay sa nangyaring technical glitch sa sistema ng air traffic management ng CAAP.