Senador, hinimok ang gobyernong hulihin na ang malalaking smugglers ng agricultural products

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na suyurin at hulihin ang mga smuggler ng agricultural commodities, at protektahan ang mga local farmers mula sa mga ito.

Ayon kay Gatchalian, kaliwa’t kanan na ang nahuhuling nagpupuslit ng mga naturang produkto, ngunit hindi pa umano nabibingwit ng gobyerno ang malalaking smuggler at traders.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dagdag ng senador, kailangang na ang malalaking smuggler at traders ang mahuli ng awtoridad upang mapigilan ang illegal importation sa bansa.

Paliwanag din ng mambabatas, kaya tumataas ang mga presyo ng ilang farm products ay dahil sa talamak na ilegal na pagpupuslit ng mga produkto.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bukod sa naidudulot na ‘undue disadvantage’ sa mga local farmers, nagkakaroon din ng mga losses sa gobyerno dahil sa unpaid duties at taxes dahil sa smuggling.