Pangulong Marcos, nagpaabot ng suporta sa bagong Senate President

Suportado ni Pangulong Bongbong Marcos ang liderato ng bagong Senate President na si Senator Chiz Escudero.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pagbati sa senador.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ayon sa Pangulo, ang legislative record at commitment ni Escudero sa public service ay nagpapakita na isa itong dedicated leader.

Kumpyansa rin ang Pangulo na sa ilalim ng pamumuno ni Senator Chiz, ipagpapatuloy ng Senado ang pagbibigay ng prayoridad sa mga batas na makakatulong upang maabot ang pangarap na Bagong Pilipinas.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Samantala, kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang kapuri-puring panunungkulan ni Senator Migz Zubiri sa panahon ng kanyang termino, at pinasalamatan siya sa kanyang mga kontribusyon sa Senado.