Pangulong Marcos, may pang-amoy, panlasa na, matapos mahawa ng COVID-19

Gumaganda na umano ang kondisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos na magpositibo sa Covid-19.

Sa kabila nito, patuloy rin ang pagbibigay ng pangulo ng mga direktiba sa kanyang mga Cabinet officials, habang naka-isolate.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataon na nahawa sa COVID-19 si Marcos.

Ayon sa Palasyo, na batay sa physician ng pangulo na si Dr. Samuel Zacate, na wala nang lagnat, may panlasa at pang-amoy na umano ang punong ehekutibo.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Maliban dito, clear na rin sa inflammation ang lalamunan ng pangulo, at wala ring sintomas ng respiratory distress o pneumonia. //MHEL PACIA