Pangulong Marcos, hinikayat ang mga Pilipino na sama-samang magbantay laban sa mga hoarders at smugglers

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng mga Pilipino na sumama sa laban ng gobyerno laban sa mga smugglers at hoarders.

Sa talumpati ng Pangulo sa pamamahagi nito ng bigas sa Aklan kahapon, umapela ito sa publiko na tulungan ang mga ahensya ng gobyerno sa pag matyag para mahuli at mapatawan ng parusa ang mga sumasabotahe sa sektor ng agrikultura at ekonomiya ng bansa.

Anya hindi titigil ang pamahalaan hanggat hindi nabubuwag ang mga sindikato at hanggat hindi maibalik sa normal ang presyo ng mga bilihin.

Nabatid na noong nakalipas na linggo, nasampahan na ng patong-patong na kaso ang apat na nagmamay-ari ng warehouses ng bigas sa Bulacan, partikular ang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law, at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Kabilang dito ang San Pedro Warehouse and Blue Sakura Agri Grain Corporation, F.S. Ostia Rice Mill, and Gold Rice Mill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *