DA at DOF, inatasan ni Pangulong Marcos na bilisan na ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga magsasaka

Pinamamadali na ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Agriculture at Department of Finance ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program o RFFAP.

Sa talumpati ng Pangulo sa pamamahagi ng bigas sa Capiz, sinabi nitong nasa sampung libong magsasaka ang inaasahang magiging benepisyaryo ng RFFAP sa naturang lalawigan.

Kasama sila sa 2.3 milyong mga maliliit na magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture RSBSA.

Tatanggap ang mga ito ng PhP5,000 na tulong pinansyal bawat isa, na kinuha mula sa sobra-sobrang koleksyon ng taripa sa rice importation noong 2022.

Maliban sa tulong pinansyal, mamimigay rin ang pamahalaan ng mga makinarya, punla, mga pagsasanay at seminar, at pagpapahiram ng puhunan para sa mga magsasaka sa ilalim naman ng Rice Competitive Enhancement Fund o RCEF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *