VP at Education Sec. Duterte, dumalaw sa burol ng grade 5 student na namatay sa Antipolo City

Dumalaw kahapon sa burol ng grade 5 student na si Francis Jay Gumikib sa Antipolo City si Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte.

Sa impormasyon ibinahagi ng Rizal Police Provincial Office, ipinaabot ng ikalawang pangulo ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa pamilya.

Maalalang, nauna nang sinabi ni Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun na posibleng walang kinalaman sa pagkamatay ng estudyante ang sinasabing pagsampal dito ng kanyang guro,

Ayon kay Dr. Fortun, hindi aniya kumpleto ang mga detalye sa inilabas na death certificate ni Francis kung ano ba ang naging cause of death nito.

Kung maalala, base sa death certificate ay global brain edema o pagdurugo sa utak ang ikinamatay ng bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *