Pangulong Marcos, biyaheng-Vietnam sa Lunes

Byaheng Vietnam si Pangulong Bongbong Marcos para sa dalawang araw na state visit mula January 29 hanggang January 30.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, inilatag ni Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza ang ilan sa magiging schedule ng Pangulo.

Kabilang dito ang pakikipag pulong ni Pangulong Marcos kay Vietnam President Võ Văn Thưởng at Vietnam Prime Minister Phạm Minh Chính.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Inaasahang matatalakay sa kanilang pagpupulong ang pagpapalalim sa kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

Makikipag pulong din ang Pangulo sa business sector para isulong ang trade and investment relation ng Pilipinas at Vietnam.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kabilang din sa schedule ng Pangulo ang Filcom meeting.

Samantala ang byahe sa Vietnam ang kauna-unahang foreign trip ng Presidente ngayong taon, ito rin ang unang pagkikita nila ni Vietnam President.

Kasama naman sa delegasyon ng Pangulo si First Lady Liza Araneta Marcos, DFA official at myembro ng economic team.