Umaabot sa 3.7 milyong pamilya sa bansa ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na huling quarter ng 2023, ayon sa survey ng Tugon ng Masa (TNM) ng OCTA Research.
Tumaas nga ng 14% ang nakaranas ng “involuntary hunger” kumpara sa 10% o 2.6 milyong pamilya na datos noong third quarter ng nakalipas na taon.
Ayon sa OCTA reseach, may 1.1 milyong pamilya ang nadagdag sa latest survey na sinabing nakaranas sila ng gutom at malaking bahagi ng self-rated hunger ay mula sa Vizayas na may 19% at sinundan ng Minanao na 18%.
Samantala, mula sa bilang ng mga pamilya nakaranas ng involuntary hunger may 89% ang nagsabing nakaranas sila ng gutom minsan o ilang beses, habang 11% lamang ang nakaranas ng madalas o palagi.
Kung maaalala, bago ito ay lumabas din sa hiwalay na Social Weather Stations (SWS) survey na tumaas ng 12.6% ang involutary hunger rate sa bansa noong December 2023.