Pangulong Marcos, binigyan ng 10 out of 10 na score sa ikatlong SONA dahil sa POGO ban

Perfect score na 10 out of 10 ang ibinigay na grado ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA.

Ito’y matapos ianunsyo ni Pangulong Marcos na simula sa araw ng SONA ay banned na ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sinabi ni Abante na isang anti-gambling advocate na sumobra na ang mga aktibidad ng POGO at lumayo na sa “gaming” tulad ng financial scamming, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, brutal torture at murder.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Panahon na aniya para matigil ang pang-aabuso at kawalan ng respeto sa mga batas ng bansa.

Punto ni Abante, malinaw sa naging utos ng pangulo na walang lugar ang ilegal na industriya sa Bagong Pilipinas.

Umaasa rin si Abante na ipagpapatuloy ng administrasyong Marcos ang pagsusulong ng investments na lilikha ng trabaho at kabuhayan na hindi nagmumula sa kasamaan na sumusuporta sa pagsusugal.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Bukod sa pagsisiguro na may malilipatang trabaho ang mga Pilipinong POGO workers, iginiit ng kongresista na dapat i-monitor ng gobyerno ang implementasyon ng direktiba upang agad na kumilos ang PAGCOR.

Sakaling hindi umabot sa itinakdang deadline at mayroon pa ring operasyon ng POGO, kailangan umanong panagutin ang mga responsableng opisyal.