Magkakasa pa rin ng “Counter-State of the Nation Address” si Albay Representative Edcel Lagman sa kabila ng pagpabor sa ilang mga ipinunto ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatlong SONA.
Ayon kay Lagman, “well-delivered” ang SONA ni Pangulong Marcos at sumasang-ayon sa ilang major policy statements tulad ng pagtataguyod sa sovereign rights sa West Philippine Sea.
Gayundin ang pag-review at pag-amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA at ang total ban sa lahat ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa pagtatapos ng 2024.
Sinabi ni Lagman na kulang pa ang mahahalagang detalye ukol sa implementasyon ng mga naturang polisiya.
May mga tinutulan din ang kongresista sa mga inilatag ng pangulo sa ekonomiya, kahirapan, agrikultura, food security, edukasyon, trabaho, sustainable human development at karapatang pantao.
Kaya naman mainam pa rin umano na magkaroon ng Counter-SONA kung saan tatalakayin nito ang mga nabanggit na isyu.