Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang susuportahan sa alinmang mga kandidato sa pagkapangulo sa darating na pambansang halalan.
Paliwanag ng Pangulo maliban na lamang kung magkakaroon ng ‘compelling reason’ para magbago ang kanyang isip.
Subalit sa ngayon wala pa umano siyang nakikita.

Nilinaw naman ng Punong ehekutibo na sa kabila ng hindi pagsuporta sa sinumang presidential aspirant, naniniwala siyang qualified ang lahat ng kandidato.
Magugunitang noong Nobyembre ay naghain si Pangulong Duterte ng certificate of candidacy pagka-senador , habang ang kanyang long-time aide na si Sen. Christopher Bong Go, ay naghain ng COC bilang substitute standard-bearer subalit kalaunan ay binawi din.
Kasalukuyan namang tumatakbo sa pagka-bise presidente ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ka-tandem ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.