Tiniyak ng Philippine National Police na mahigpit nilang babantayan ang mga campaign sorties ng mga kandidato kasabay ng opisyal na pagsisimula ng kampanyahan para sa national post ngayong araw.

Ayon kay PNP Spokesman PCol. Jean Fajardo katuwang nila sa pagbabantay ang mga kasundaluhan at Philippine Coast Guard para masigurado ang security and order sa campaign sorties area ay masusunod.
Kabilang sa mga babantayan ay ang overcrowding sa mga campaign activities bagama’t ang mga barangay officials umano ang pangunahing magmomonitor sa minimum public health standard.
Ipinag-utos din umano ni PNP Chief Dionardo Carlos sa mga kapulisan na pairalin ang maximum tolerance.
Nabatid na kahapon ay nilagdaan ng pamunuan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at PCG ang Joint Letter Directive (JLD) No. 01-2022 na naglalayong matiyak na ligtas at mapayapa ang gaganaping halalan sa Mayo.