Pediatric vaccination sa rehiyong Bicol wala pang schedule- DOH Bicol

Legazpi City- Inihayag ng Department of Health Bicol na wala pang schedule ng pediatric vaccination sa rehiyon.

Ayon kay Kenn S. Nuyda, RN ng DOH Center for Health Development- Regional Epidemiology Surveillance Unit papag- usapan pa lamang umano ng ahensya ang magiging iskedyul sa rehiyon Bicol ng pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 taong gulang.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung matatandaan mula taong 2020 hanggang sa kasalukuyan nakapagtala ng 1,884 na kaso ng covid-19 sa mga batang edad 5-11 taong gulang, sa rehiyong Bicol, 1,007 sa mga ito ay lalaki at 877 naman ang babae.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aniya nagpapakita lamang ito na hindi exempted ang mga bata sa pagkakaroon o pagkahawa sa covid-19 virus kung kaya’t mahalaga na mabakunahan rin ang mga ito.

Magbibigay na lamang umano ng abiso ang ahensya kapag mayroon ng iskedyul ng pagbabakuna para sa mga bata na kabilang sa nasabing age group.