Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban ng Traslacion at misa para sa Itim na Nazareno ngayong taon dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections sa bansa.
Sa Talk to the People ng Pangulo ay kinilala niya na mahalaga para sa Simbahang Katolika ang pagsasagawa ng naturang prusisyon.
Pero ayon sa Pangulo, umaasa siya na mauunawaan ng publiko na may pananagutan ang gobyerno sa mga tao sakaling magkamali ito sa mga susunod na hakbang nito.
Iginiit ng Punong Ehekutibo na trabaho nila gumawa ng mga kritikal na desisyon na poprotekta sa public health at public safety.
Inihayag ng Pangulo na bawal ang mga malalaking pagtitipon sa ngayon lalo na’t milyon-milyon ang mga deboto ng Itim na Nazareno.
