Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na bantayan ang mga hotels na nagsisilbi bilang quarantine facilities ng returning Filipinos.
Sa Talk to the people, ay sinabi ng Pangulo na hindi magagawa ng mga tauhan ng hotel na makipagpisikalan para lamang pigilan ang mga tao na gustong tumakas sa quarantine.
Iginiit ng Punong Ehekutibo na ang mga tauhan lamang ng gobyerno ang may otoridad na pumigil sa kanila.
Bilang tugon ay sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na inutos na niya kay Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos na dagdagan ang bilang ng mga pulis sa mga hotels.
Ipinunto naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may probisyon sa Republic Act 11332 na nagpapataw ng parusa sa mga entities o establishimyento na mabibigo na pigilan ang mga indibidwal na tapusin ang kanilang quarantine.
