Pangulo, nagbabala ng krisis sa gobyerno oras na may ipakulong na miyembro ng Gabinete ang Senado

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng gulo sa gobyerno sakaling iutos ng Senado ang pagpapakulong sa mga miyembro ng Gabinete.

Kasalukuyang nagsasagawa ang Senado ng imbestigasyon kaugnay sa “overpriced” COVID-19 supply procurement.

Sa unang bahagi ng televised Talk to the People briefing, ay tumutok ang Pangulo sa pagtalakay sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinangungunahan ni Senator Richard Gordon.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Doon ay dinipensahan muli ng Pangulo ang ginawang procurement ng gobyerno, na ayon sa kaniya ay hindi overpriced o nagamit sa korapsyon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Naniniwala ang Punong Ehekutibo na umaastang “despot” si Gordon sa ginagawang hearing ng komite at balang araw ay may titindig laban dito.

Samantala, nagbabala naman ang Pangulo na siya mismo ang magtutungo sa Senado sakaling i-detain nito ang mga opisyal ng gobyerno na tatangging magpartisipa sa mga hearing.