DepEd, ipinaliwanag ang guidelines para sa limitadong face-to-face classes

Ipinaliwanag ni Education Secretary Leonor Briones ang ilan sa mga panuntunan na susundin ng gobyerno para sa limited face-to-face classes na gagawin sa ilang lugar na may minimal risk ng COVID-19 infection.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagkumpirma sa kaniyang recorded speech na aprubado na niya ang limited face-to-face classes.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ayon kay Briones, sa ilalim ng mga naaprubahan na panuntunan ay lilimitahan lamang sa 12 ang bilang ng mga estudyante na papapasukin sa Kindergarten habang magkakaroon naman ng 16 na mag-aaral ang Grade 1-3 classes.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Papayagan naman ang Technical vocational classes na magkaroon ng hanggang 20 estudyante.

Ipinunto ng kalihim na layon nito na mabigyan ang mga estudyante ng espasyo para makapag-social distancing.

Ipinaliwanag rin ni Briones na tatagal lamang ng maximum na tatlong oras ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 3.