Carlo Biado, ikinatuwa ang pagkapanalo sa US Pool Championship

Labis na ikinatuwa ng Pinoy pool player na si Carlo Biado na nagawa nitong maiuwi ang US Open Pool Championships title tulad ng kaniyang idolo na si Efren “Bata” Reyes.

Sinabi ni Biado na bata pa lang siya ay iniidolo na niya si Reyes.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Mababatid na 13-anyos lamang si Biado nang magsimula itong mag-billiards.

Ipinunto naman niya na dati na rin nagkampeon si Reyes sa event na kaniyang napanalunan kamakailan.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Noong linggo ay nakumpleto ni Biado ang come-from-behind victory laban kay Aloysius Yapp ng Singapore sa finals nang sumablay ito sa 9th rack.

Sa ngayon, tanging sina Biado at Reyes, na nagwagi ng titolo noong 1994, ay ang natatanging dalawang kinatawan ng Pilipinas na nakapag-uwi ng US Open title.