Pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa bansa, isinusulong ng OCD

Plano ngayon ng Office of Civil Defense (OCD) na magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa problema ng pagbaha sa bansa.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kanilang River Basin Management.

Sinabi ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, na hindi maipagkakailang may mga hamon at problema na kailangang resolbahin sa problema ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ito’y sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, puspusan pa rin ang response operations ng OCD sa Davao Region kasunod ng epekto ng shearline, northeast monsoon at trough ng low pressure area o LPA.

Ang Davao ay isa sa mga pinaka-apektadong rehiyon dahil sa weather disturbances na nakakaapekto sa halos 130 thousand na pamilya sa rehiyon.