PAMALAKAYA at iba pang mga grupo – nagprotesta sa Chinese Embassy

Nagtungo ang mga miyembro ng ibat ibang militanteng grupo sa pangunguna ng PAMALAKAYA-Pilipinas kasama ang iba pang sektor sa Chinese consulate upang kondenahin ang paulit-ulit na panghaharass ng China laban sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

Ayon kay Antonio Tinio, Spokesperson ng Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya, nais nilang iparating na atin ang West Philippine sea at kailanman ay hindi isusuko ang soberanong karapatan sa karagatan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sinabi naman ni Ka Pando Hicap, PAMALAKAYA National Chairperson, dapat ipagtanggol at ipaglaban ng administrasyon ang karapatan upang mapalayas ang presensya ng Tsina sa pinag aagawang teritory.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Aniya, hindi makatao at makamamamayan ang ginagawa ng China kaya dapat itigil nito ang pang gigipit sa mga mangingisdang Pilipino.

Dagdag pa ng PAMALAKAYA, walang awtoridad ang bansa na itaboy at pigilan ang aktibidad ng mga mangingisdang Pilipino sa ating teritoryo.