CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy ang pagbabakuna dito sa lalawigan ng Camarines Norte kontra COVID- 19.
Iba’t- ibang priority group ngayon ang binabakunahan sa layuning maabot ang target population.
Sa bayan ng Basud nasa mahigit 600 ang nabakunahan ng Pfizer habang mahigit 100 naman naturukan ng Sinovac kahapon.
Ngayong araw ay nagpapatuloy ang bakunahan at maaga pa lamang kanina ay dagsa na ang mga taong magpapabakuna sa Basud Sports Complex.
Ang mga nakapila sa vaccination center ay mahigpit na pinapaalalahanang sumunod sa health protocols.
Maya’t maya rin ang paalala sa mga naghihintay na mabakunahan na huwag mag kumpol kumpol at panatilihin ang social distancing.
Bago ring payagang makapasok sa vaccination center ay kinakailangang maghugas ng kamay at mag alcohol.
Ngayong Oktubre ay sisimulan na rin ang pagbabakuna sa General population.
Kahit bakunado na ay mahigpit pa rin ang paalala ng DOH na isabuhay ang pagsunod sa minimum health standards.
Batay sa datos ng ahensiya nasa 191, 711 doses na ang natanggpap ng probinsiya.
Sa bilang na ito 72 % ang nakatanggap na ng first dose habang 40 % naman ang second dose.
