Panghuhuli sa mga e-bike at e-trike, pinahihinto muna ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Metro Manila Development Authority o MMDA na bigyan pa ng palugit ang mga e-bikes at e-trikes at iba pang apektadong sasakyan, kaugnay sa pagbabawal sa mga itong dumaan sa ilang tukoy na kalsada sa Metro Manila.

Sa X post ng Pangulo, ipinunto nitong kailangan pang mag bigay ng sapat na panahon para sa information dissemination hinggil sa ipinatutupad na ban.

Sa ilalim ng inilabas na direktiba, hindi muna titicketan, pagmumultahin, o iimpound ang mga nasabing sasakyan.

Sa pagkakataong harangin man ang mga ito, dapat ay para lang ipaalam ang mga alternatibong ruta at paalalahanan ang mga motorista sa bagong patakaran upang mapalakas ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan.

Samantala isang buwan ang itatagal ng palugit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *