Wala umanong na-monitor ang Philippine Coast Guard (PCG) na paglobo sa bilang ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang kinumpirma ni PCG spokesperson for the WPS Commo Jay Tarriela, isang araw bago ang nakatakdang panghuhuli ng China sa mga ‘trespassers’ sa sarili nating teritoryo.
Maaalalang simula kasi bukas, ie-enforce na ng China Coast Guard ang panghuhuli sa mga non-chinese fishermen sa South China Sea.
Muli namang sinabi ni Tarriela na hindi nila ia-advise sa mga Pilipinong mangingisda na ihinto nila ang kanilang pang-araw-araw na pangingisda sa sarili nating teritoryo.