“Pang-aabuso” at “kalupitan”ng tour guide at turista sa mga pawikan , kinondena ng LGU Taytay

Mariing kinondena ng Municipal Tourism Development & Management Office sa Taytay Palawan ang ginawang “kalupitan” at “pang- aabuso” sa mga pawikan sa Debangan Island.

Ayon sa Tourism Office, ang mga indibidwal na nakunan sa video ay pagmumultahin at mapapanagot sa batas at tinitiyak umano na naipatutupad ang mga batas at ordinansa na nagpoprotekta sa buhay- ilang.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kaugnay nito, nagbabala ang tanggapan sa mga Taytayanos o mga taga- bayan ng Taytay at mga turista na pwedeng maparusahan ang mga magtatangkang galawin ang mga buhay- ilang particular ang mga malapit nang maubos alinsunod sa Municipal Ordinance No. 450 and 451.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Ang sinumang mapatutunayang may paglabag sa ordinansa ay magmumulta ng Php1,500.00 sa unang paglabag at P2, 500 naman sa ikalawa.

Samantala, sinisikap ng Brigada na makipag-ugnayan sa uploader ng video.