Tinalo ng team ng Samoa ang Gilas Women’s U16 sa 2022 FIBA Women’s Under-16 Asian Championship’s Division B.
Natapos ang laro sa score na 94-65 sa semifinal round na ginanap sa Amman, Jordan kung saan inaasahan ang Division A promotion.

Pinangunagan ni Naomi Panganiban ang koponan ng Gilas na pumuntos ng 15 kabilang ang 4 steals, 3 assists at 2 rebounds.
Samantala, susubukan ng Gilas Women’s U16 na umiskor ng bronze medal laban sa Syria-Lebanon.
(ARGIE ERGINA)