Naniniwala naman si dating Presidential chief legal counsel Atty. Salvador Panelo na mayroong ‘grave error’ sa naging desisyon ng Korte na i-dismiss ang natitirang drug case ni dating senadora Leila de Lima.
Sa isang pahayag, idiniin ni Panelo na isinaalang-alang ng hukuman ang pagbawi ng testimonya laban kay de Lima kahit na walang ebidensya na ang mga testigo ay gumawa ng kanilang mga naunang pahayag sa ilalim ng pamimilit o pananakot, banta, o psychological pressure.
Sinabi niya na walang ganitong ebidensya na ipinakita sa hukuman kaya’t ang mga naunang testimonya ng mga nagbawi ng kanilang pahayag laban kay de Lima ay hindi dapat binabalewala.
Bukod dito, mayroon umanong credible na mga ebidensya na nasa rekord para sa isang hatol.
Dagdag pa ni Panelo, ang pagbabasura sa kaso ng droga ay isang malaking pagkakamali dahil ito ay laban sa ebidensya at jurisprudence.