Pinare-reconsider ng panel of prosecutors ang naging desisyon ng Korte na i-acquit si dating senadora Leila de Lima sa isa sa mga drug charges nito.
Inihain ng prosekyusyon ang kanilang motion for reconsideration sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204.
Sa ilalim nito, idiniin ng mga prosekyutor na kuwestiyonable ang motibo sa likod ng pagkambyo ni dating Bureau of Corrections BuCor OIC Rafael Ragos.

Anila, ilang taon daw nanahimik si Ragos sa mga nagdaang pagdinig sa Kongreso at maging sa Korte, at kumambyo lamang walong araw bago ang 2022 elections kung saan tumakbo si de Lima para sa kaniyang Senatorial reelection.
Ayon sa mga prosecutors – hindi sapat ang recantation ni Ragos para ma-invalidate ang kaniyang unang testimonya. //SM, edited MHEL PACIA