Inaprubahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagdaragdag ng capacity sa Batasan Complex para sa ikalalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 24.
Matapos ang meeting sa Kamara para sa preperasyon sa SONA, napagkasunduan ang pagdaragdag ng mga assignments ng mga karagdagang mga silid para makapag-accommodate ng mas maraming mga guests.
Ang Batasan Complex na mayroong 1,200 na seating capacity ay nakapagtala ng 1,365 attendees noong unang SONA ng Pangulo.
Samantala, siniguro naman ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng seremonya
Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda, inumpisahan na nila ang mapping ng securiy plan para rito.

Magkakaroon na rin umano ng intelligence gathering mula sa iba’t iba nilang units at iba pang law enforcement agencies para matukoy ang mga posibleng banta sa SONA.
Muli namang nagpaalala si Acorda sa mga nais magsagawa ng kilos-protesta na papayagan lamang ito sa mga freedom parks.
Sa kabila niyan, maglalatag pa rin siya ng maximum tolerance order sa mga police officers. //SM, edited MHEL PACIA