LGU Lake Sebu, hinihikayat na ipatupad ang fishery code

KORONADAL CITY- NAG-apruba ang Provincial Development Council o PDC South Cotabato ng resolution na naghihikayat sa local chief executive ng Lake Sebu na ipatupad ang Philippine Fisheries Code of 1998.

Ang naturang resolution ay nabuo matapos ang nangyaring ‘kamahong’ o fish kill sa bayan ng Lake Sebu noong buwan ng Enero na nagdulot ng mahigit sa P 17 million na danyos sa ilang mga barangay.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Hinihikayat din ng PDC ang alkalde na magpatupad ng mas istriktong polisiya bago bigyan ng permit ang mga fish cage operators.

Bahagi din ng PDC resolution ang reorganization ng Lake Sebu Rehabilitation, Conservation and Development Council (LSRCDC) at ang inclusion ng Philippine Coast Guard at Allah Valley Landscape Development Alliance (AVLDA) bilang mga miyembro ng konseho.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Samantala, una nang iminungkahi ng Provincial Environment Management Office o PEMO ang imposition ng 10-percent utilization limit bilang bahagi ng rehabilitation process ng lake upang maiwasa ang malawakang fish kill.