Panawagang resignation kay PBBM – ‘out of brotherly love’ lang – VP Duterte

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na posibleng ‘out of brotherly love’ lamang ang naging panawagan ng kaniyang kapatid na si Davao City Mayor na si Baste Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos na magbitiw na ito sa puwesto.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Duterte na baka pino-protektahan lang daw siya ng kaniyang kapatid.

Maari raw na nadala lamang si Mayor Baste dahil sa mga natatanggap nitong trato mula raw sa iilang mga opisyal.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Sinabi naman ng Bise Presidente na ‘di niya nakausap si Mayor Baste bago ang mga naging pahayag nito kagabi sa Davao City Prayer Rally.