Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsabi na ikinokonsidera nila ang kanilang sarili bilang mahirap, kumpara sa self-rated poverty survey na ginawa noong Hunyo.
Sa September 12-16, 2021 survey ng Social Weather Station, nadiskubreng 45% ng pamilyang Pilipino ang nagsabi na sila ay mahirap, 34% ang nag-rate sa kanilang pamilya bilang Borderline Poor at 21% ang nagsabing hindi mahirap.
Mababatid na sa kaparehong survey na ginawa noong Hunyo, 48% ng pamilyang Pilipino ang nagrate ng kanilang sarili bilang mahirap.

Ayon sa SWS, ang estimated numbers ng Self-Rated Poor families ay 11.4 million noong September 2021 at 12.0 million noong June 2021.
Sinabi sa survey na ang may malaking pagbaba sa self-rated poor ay sa Visayas mula sa 70% sa 54%, sinundan ng Metro Manila mula sa 43% sa 34%, habang nananatili sa parehong Balance Luzon — o mga lugar sa Luzon na labas ng Metro Manila sa 38%.