Angkas, may free ride sa health workers sa 3-day natl vaxx drive

Mag-aalok ang motorcylce ride-hailing service Angkas ng libreng sakay sa mga healthcare workers, papunta at mula sa mga vaccination sites sa loob ng national vaccination drive mula Nov. 29 hanggng Dec. 1.

Ayon kay Angkas co-founder at chief transport advocate George Royeca, na ang naturang alok ay available para sa mga medical frontliners sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Metro Cebu.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Kaugnay nito, ang mga interesadong healthcare workers ay maari lang bisitahin ang Facebook page ng Angkas, kung saan may sasagutang link upang maisama ang kanilang pangalan sa listahan ng Angkas app.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Matapos nito, may matatanggap na promo code at text message ang healthcare worker upang malaman kung sila ay eligible para sa libreng sakay.

Maliban dito, pinag-iisipan rin ng Angkas na palawigin ang alok na free rides para sa medical frontliners pagkatapos ng Dec. 1.