Pamilya ng napatay na pulis sa buy-bust operation sa Baao, Camarines Sur, nanawagan ng tulong sa Presidente; kaanak sigaw pa rin ang hustisya

NAGA CITY- Nanawagan ngayon ng tulong kay Presidente Bongbong Marcos Jr. at sa Philippine National Police ang pamilya ng napaslang na pulis na si PSsg. Richard Rodero sa isang buy-bust operation sa Baao, Camarines Sur nitong Desyembre 26.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Michelle Rodero-Cerenio, pinanawagan nito ang hustisya at agarang pagkakadakip sa suspek na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

“Nanawagan po ako kay Presidente Bongbong Marcos Jr. na sana po matulungan niya kami na mabigyan ng hustisya ang aming kapatid na si PSsg Richard Rodero. At saka sa Philippine National Police, sana po matugis kung sinuman po ang may gawa ng krimen na ‘to, ” ani Cerenio.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, hinikayat naman nito ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang matugis ang itinuturong suspek na si Edgar Allan Sumayao.

“Kung sinuman po ang makakita sa suspek na si Edgar Allan Sumayao, sana po ay makipagtulungayon kayo sa kapulisan. Ituro po ninyo siya sa pulis, para makamit rin po namin ang katarungan para sa aming kapatid.”