Pamilya ng apat na nasawi dahil sa methane gas poisoning, binigyan ng tulong

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development Region 2 ng tulong pinansyal at family food packs sa mga pamilya ng nasawi dahil sa methane gas na sumingaw mula sa kanilang hinukay na balon sa Barangay Magsaysay Hill, Bambang, Nueva Vizcaya.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Ang SWAD-Nueva Vizcaya ay namahagi ng tig-P10, 000 habang nagbigay naman ng food packs ang LGU at tig-P15,000 sa bawat pamilya ng mga biktima.

Matatandaan na noong ika-anim ng Mayo ay nangyari ang insidente kung saan nasawi sina Dionisio Alisen, 62-anyos; Jeremiah Padilla, 64-anyos; Selvino Mendoza, 63-anyos; at Marlon Mateo Orden, 38-anyos.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Dahil din sa insidente ay inilikas muna ang 14 na pamilya na binubuo ng 60 na indibidwal dahil sa panganib na dala ng chemical compound sa lugar.