NAGA CITY- Iniimbestigahan at magsasagawa ng symposium ang Municipal Police Station ng Baao, Camarines Sur, sa mga Barangay na sakop ng bayan na dinadaanan ng tren matapos na maiparating sa kanila ang insidente ng pangbabato sa tren na ang biyahe ay Naga City –Ligao City, Albay.
Ito ay bilang aksyon at pagpapatibay ng koordinasyon sa mga Barangay, upang hindi na muling mangyari pa ang insidente.
Sa panayam kay PSSg John Paul Sergio, imbistigador ng himpilan, napag-alaman na dalawang barangay ang nasasakupan ng mangyari ang insidente, posibleng mula sa Barangay San Juan at hindi sa Barangay Sagrada ang maaaring salarin, na sa ngayon ay wala pa silang matukoy kung sino ang gumawa at nagpapatuloy pa ang imbistigasyon.
Nangyari ang insidente kahapon mga bandang alas 9 ng umaga ng iparating din ito sa BNFM Naga ng isang concern netizen, na habang ang tren bumabiyaheng Iriga City, nang biglang batuhin ng hindi pa nakikilang salarin.
Ang insidente ay nakarating na rin sa himpilan ng Provincial Director ng PNP Camarines Sur, na si PCOL Julius Ceasar Domingo, dapat aniya mapatibay ang koordinasyon ng mga Chief of Police sa mga barangay officials at residente.
Nagbabala na rin ang PNP lalo na sa mga residente na maging responsable at isipin ang kaligtasan, at sa mga magulang hanggat maaari ay bantayan ang mga menor de edad na anak dahil minsan ay pinagtitripan din ito, kung hindi nilalagyan ng pako sa ilalim binabato ng putik.