Ibinida ng islang lalawigan ng Masbate ang ‘Pamasayan Festival’ ng bayan ng Mandaon sa ginanap na Fiesta Bicolandia Street Dance Showdown.
Sa nasabing patimpalak, nakuha nito ang ‘Best in Concept and Thematic Interpretation.
Ang ‘Pamasayan’ ay galing sa salitang ‘pasayan’ o hipon.
Nagtaposa ang kaunaunahang Fiesta Bicolandia noong Linggo, Nobyembre 6 sa legazpi City, Albay kung saan ang street dance showdown ng mga festivals ng 6 na lalawigan ang ibinida.
Nakuha ng lalawigan ng Catanduanes ang ‘Most Disciplined Contingent’ award sa kanilang Abaca Festival; Best in Street Dancing naman ang nasungkit ng ‘Kasanggayahan Festival’ ng Sorsogon; ang magayon festival ng Albay ay nakuha ang ‘Best in Musicality’ award habang ang ‘Best in Costume’ ay nakuha ng Bantayog festival ng Camarines Norte at ang ‘Kaogma Festival’ ng Camarines Sur ay nasungkit ang ‘Best in Festival Showdown.’
Lahat ng nanalo ay nakatanggap ng P50K mula sa Dept of Tourism-Bicol.
