Pamasahe sa bus sa lalawigan ng Camarines Norte walang pagbabago sa kabila ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo

CAMARINES NORTE- Walang magiging pagbabago sa pamasahe sa bus sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo

Ayon kay Mr. Celso Saquido ang assistant operation Manager ng Superlines Bus Company na lahat ng kanilang paggalaw ay nakabase sa panuntunan ng LTFRB, kung kayat kahit nais nilang magtaas naman ng presyo ng pamasahe ay magdedepende pa rin sila sa ipalalabas na abiso ng naturang tanggapan

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ngayon ang pamasahe ng Daet to PITX ay 647 pesos sa regular na aircon, 550 sa ordinary at 720 pesos naman sa De Luxe, bukod pa dito ang mga nag-a-avail ng 20% discount na Senior Citizen at PWD.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Habang umiiral pa rin ang panuntunan kung saan kailangan ang vaccination card sa mga fully vaccinated at Valid ID at negative antigen test result sa mga hindi pa bakunado at wala pang 2nd dose

Kinumpirma rin ni Saquido na nagdagdag na sila ng mga biyahe ng bus matapos na magbigay nan g pahintulot ang IATF Camarines Norte