LEGAZPI CITY – Wala nang plano pang ibalik sa City Government ng Legazpi ang isa sa mga tourist attraction na Lingñon Hill sa lalawigan.
Ito ang sinabi ni Albay Governor Noel Rosal sa isinagawang press briefing kahapon ng Provincial Government of Albay.
Ayon kay Rosal, hindi na kailangan pang i-turn over o ibalik pa sa LGU ng lunsod ang pamamalakad nito dahil kaya naman itong hawakan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.
Aniya, ang mahalaga rito ay maging isang ganap na tourist attraction ngayon sa lalawigan ang Lingñon Hill at magkaroon ng impact sa mga turista na kung saan dadayuhin ang mga lugar at maging abala ang mga ito sa kanilang pagbibisita.
Inaasahan sa mga susunod na linggo ay maglalabas ang gobernador ng panibagong design sa Lingñon Hill upang magkaroon ng pagbabago sa lugar. Kabilang sa mga nais baguhin nito ay paglalagay ng mga food park sa baba ng lugar habang ang nasa bandag itaas ay gagawin lamang na pasyalan.