SORSOGON CITY – Nagkakaisang inaprubahan ng miyembro ng lupon ng Sang Panlalawigan ang panukalang palawigin ng limang taon ang effectivity ng Professional Regulation Commission license mula sa tatlong taon.
Ang panukala na akda ni Vice-Governor Krunimar Antonio Escudero at co-author nito na si Hon. Benito Doma, ay may titulong ‘Resolution Requesting His Excellency Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, President of the Republic of the Phils. thru the Professional Regulation Commission, to Extend the Effectivity of the PRC License from 3 Years to 5 Years.’
Nakasaad sa Resolution na isa sa mga importanteng ID ang PRC license para sa mga propesyonal gaya ng mga accountant, engineer, doctor at nurse at marami pang ibang propesyonal.
Ang PRC license rin ay dagdag kwalipikasyon tuwing naghahanap ng mga trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kung kaya’t kailangang laging up-to-date ang PRC license.
Nabatid na may mahigit-kumulang 41.3 milyon na propesyonal sa Pilipinas at ang mga ito ay kinakailanagang mag-renew ng kanilang PRC license kada tatlong taon.
Ang pagpapalawig sa naturang lisensya ay makatutulong sa mga propesyonal, lalo na sa mga walang rekord ng anumang malpractice o paglabag, na epektibong maisasagawa ang kanilang propesyon at maiwasan ang ‘unprofessional conduct.’


Matatandaan na matagl nang umiiral ang limang taon na lisensya sa Maritime Profession’s Compliance sa Standards of Certification and Watch Keeping, kung kaya’t hindi na bago ang pagpapalawig ng professional license.
Ang validity ng driver’s license naman ay pinalawig ng Kongreso sa limang taon habang 10 taong validity naman sa pasaporte.