Pamamahagi ng RCEF seeds sa Bicol at western Samar nagpapatuloy parin – DA Philrice Bicol

LEGAZPI CITY – Bukas ay inaasahang magtatapos na ang pamamahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa Bicol Region at Western Visayas ng Department of Agriculture – PhilRice Bicol.

Ayon sa tanggapan, nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang pagbibigay ng RCEF sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Tarrification Law (RTL) na isinabatas ni Sen.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Cynthia Villar na naglalayong tulungan ang mga magsasaka na pataasin ang kanilang ani at mabawasan ang gastos sa pagpapalay.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, mas naitataas ang antas at kalidad ng pagsasaka gamit ang mga makabagong teknolohiya sa pagpapalay. Kabilang sa mga mabibigyan sa Albay ang bayan ng Pioduran, Ligao, Polangui, Libon.

Sa Masbate ang bayan ng Milagros, Balud, Mandaon, Claveria, San Pascual.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa Sorsogon ang bayan ng Castilla, Sorsogon City, Irosin, Bulan, Pilar at Donsol.

Samantala mabibigyan rin ang Western Samar sa bayan ng Calbiga, Paranas, Villareal, Calbayog City at Basey Kung matatandaan, nagsimula ang distribusyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund nitong buwan ng Hunyo 13 at magtatapos ito sa Hunyo 17 ng kasalukuyan taon.