4-anyos na bata at isang evacuee sa Bulusan volcano eruption, mga bagong kaso ng Covid-19 sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Matapos ang ilang araw na pagiging Covid-19 free ay muli na namang nakapagtala ng mga bagong kaso ng sakit ang lalawigan ng Sorsogon.
sa pinakahuling datus na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO), ang mga ito ay ang 45-anyos na babae mula sa Barangay Puting Sapa sa bayan ng Juban at ang 4-anyos na batang lalaki mula sa Barangay Bibincahan, lungsod ng Sorsogon.
Una rito ay kinumpirma ng Juban Municipal Health Office (MHO) na amng 45-anyos na babae mula sa Brgy Puting Sapa ay isa sa mga lumikas sa pag-alburuto ng Bulkang Bulusan.
Naka-isolate ngayon sa Juban temporary treatment facility ang dalawa ring evacuee na naging close contact nito habang naghihintay ng resulta ng RT-PCR test.
Samantala, namang naiulat na bagong nasawi habang 26 ang nag negtaibo mula sa isinumiteng swab test.
Sa kabuuan, nakakapagtala na ang lalawigan ng 8,354 na indibidwal na tinamaan ng Covid-19.###

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors
Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop