Pamamahagi ng P1-B fuel subsidy sa mga tsuper, nagsimula na

Umarangkada na ngayong araw ang pamamahagi ng 1-billion pesos na fuel subsidy para sa 136,000 na mga public utility jeepney drivers na apektado ng pagtaas sa produktong petrolyo.

Pinangunahan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra ang launching ceremony ng Pantawid Pasada Fuel Program (PPP).

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa kanyang talumpati sinabi ni Delgra na bagama’t may pagbaba sa presyo ng langis sa nakalipas na linggo, mataas pa rin ang umento sa presyo nito kung susumahin sa loob ng isang taon.

Inaasahan aabot sa P7,200 kada sasakyan ang ibibigay bilang one-time subsidy sa pamamagitan ng PPP cards.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nasa siyam na fuel firms naman ang nakiisa sa naturang programa.

Samantala sinabi ni Delgra na ang pagbibigay ng ayuda ay hindi lang para maibsan ang gastusin ng mga tsuper sa araw-raw kundi para masiguro na tuloy-tuloy ang pagpapatakbo ng mga pampublikong sasakyan para sa mga mananakay.